Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasig City, nasa higit 100 na lang

Aabot na lamang sa 149 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasig City.

Sa pinakahuling datos ng City Government, gumaling na ang 8,402 COVID patients sa Pasig.

Kabilang sa mga ito ang 37 pasyente na nakaalis na sa Centralized Quarantine Facility matapos ma-clear mula sa virus.

Anim naman na barangay sa Pasig ang wala nang active case ng sakit.

Ang mga ito ay ang mga barangay ng Bagong Katipunan,  Kapitolyo, San Jose, San Nicolas, Sta. Rosa, at Sumilang.

Moira Encina

Please follow and like us: