Aktibong kaso ng Covid-19 sa Santa Rosa City, Laguna, mahigit 100 na lang


Umaabot na lamang sa mahigit 100 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Santa Rosa City, Laguna.


Batay sa pinakahuling datos ng City Health Office, kabuuang 122 na lang ang mga pasyente na ginagamot o nagpapagaling pa.


Ito ay matapos makapagtala ang lungsod ng panibagong 25 recoveries.


Sa kabuuan, 2,362 Covid patients ang gumaling na mula sa sakit sa Santa Rosa.

Nakapagtala naman ng anim na bagong kumpirmadong kaso ng virus.


Aabot naman sa 48 ang namatay dahil sa sakit.

Moira Encina

Please follow and like us: