Aktor na si Migo Adecer arestado matapos mabangga at takasan ang dalawang tauhan ng MMDA sa Makati

Inaresto ng Makati city police ang aktor ma si Migo Adecer o Douglas Errol Adecer matapos itong makasagasa sa JP Rizal st. cor. Pertierra st. Brgy. Poblacion, Makati city kagabi.

Lulan si Adecer ng puting kotse nang mabangga nito ang dalawang MMDA Traffic enforcer na nasa lansangan na kinilalang sina Rogelio Formelos Castillano at Michell Gallova.

Sinubukang pa aniyang tumakas ng aktor matapos mabangga ang mga biktima pero agad na nakahingi ng tulong ang iba pang traffic enforcers na nasa lugar sa mga pulis kaya agad na nahabol si Adecer.

Nacorner ito sa bahagi ng N. Garcia st. at napag-alamang nakainom ang aktor.

Nagtangka muling tumakas ang actor sa ikalawang pagkakataon hanggang mabangga naman nito ang mga Police patrol car.

Tumanggi din itong ibigay ang kanyang lisensya.

Pero ayon kay Adecer hindi siya nagtangkang tumakas, hindi lang umano niya alam na mayroon pala siyang nasagi.

Ngunit bago ang insidente, natiketan na pala ang aktor sa may bahagi ng Rockwell dahil din sa reckless driving.

Dahil sa insidente, nahaharap sa patong-patong na reklamo si Adecer gaya ng Reckless Imprudence resulting in Multiple Physical injury at Damage to Property, maging ang Disobedience to Person authority matapos na tangkang tumakas sa mga pulis.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang dalawang MMDA traffic enforcers na nabangga ni Adecer.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *