Akusasyon ni PO3 Lascañas laban kay Pangulong Duterte, pinatunayan lang ng DOJ na totoo – Sen. Trillanes

lascanas

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Pinatutunayan lamang ng Department of Justice na totoo ang lahat ng akusasyon ni Retired Arturo Lascanas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang reaksyon ni Senador Antonio Trillanes sa utos ng DOJ sa NBI na makipag-coordinate sa Interpol para sa pag-aresto kay Lascañas.

Ayon kay Trillanes ang hakbang na ito ng Justice Department ay pangigipit kay Lascañas.

Ganito rin aniya ang ginawa ng administrasyon laban kay Edgar Matobato na isa rin sa mga tumestigo sa Davao Death Squad.

Sabi ni Trillanes, ginagawa lahat ng administrasyon ang lahat ng paraan para pigilan ang mga nais tumestigo laban sa mga umano’y ginawang harassment ng Pangulo noong Alkalde pa ito ng Davao.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *