Albuera Leyte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Albuera Leyte.

Naitala ang pagyanig sa 5 kilometers North ng Albuera alas 6:26 kaninang umaga.

Ayon sa Phivolcs, may lalim lang na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol naitala ang intensity 5 sa Ormoc City, intensity 4 sa Pastrana, Leyte; intensity 3 sa Tacloban City at Palo Leyte at intensity 1 sa Cebu City.

Hindi naman inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang naganap na pagyanig pero nagpaalala ito sa mga aftershocks na maaring maganap.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *