Alkalde ng GMA,Cavite nag file ng 3 buwang leave of absence

Nag file ng tatlong buwang leave of absence si GMA Cavite Mayor Walter D. Echavarria mula Oktubre 26, hanggang Enero 26, 2021. 


Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang kaniyang sarili na makapagpahinga at mapalakas ang pangangatawan nito. 


Ayon sa alkalde, ang tatlong buwang pahinga na kaniyang ilalaan ay base na rin sa rekomendasyon ng kaniyang mga manggagamot. 


Bagaman magpapahinga ang alkalde sa loob ng tatlong buwan, nangako naman ito  sa kaniyang mga nasasakupan na patuloy pa rin itong magbibigay serbisyo.


Pansamantala munang itinalaga bilang Acting Mayor ng GMA Cavite ang Vice Mayor na si Maricel Torres habang si Sangguniang Bayan Member Angie Paycana ang siyang uupo naman bilang Acting Vice Mayor. 

photo credit: fb page Mayor Walter Echavarria

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: