All-time record para sa most international goals, malapit nang makuha ni Cristiano Ronaldo

LISBON, Portugal (AFP) – Palapit na ng palapit si Cristiano Ronaldo sa all-time record para sa most international goals, matapos talunin ng European champions na Portugal ang Andorra sa score na 7-0 sa isang friendly match.

Naipasok sa net ng Juventus star ang kaniyang 102nd goal para sa Portugal sa  85th minute ng laro.

Ang dating Iran striker na si Ali Daei ay may hawak sa record na 109 goals.

Ang Portugal, ay patuloy na naghahanda para sa kanilang European Championship title defence sa susunod na linggo laban sa France.

Ang Wolves winger na si Pedro Neto ang nagbigay ng unang lead sa Portugal, bago ito sundan ng double mula kay Paulinho.

Si Emili Garcia ay naka-score din ng goal, sa ika-14 na minuto ng laro.

Matatandaan na nagpositibo sa COVID-19 ang 35-anyos na si Ronaldo noong October 13, kaya’t hindi ito nakasama sa laro laban sa Sweden kung saan nagwagi rin ang Portugal sa score na 3-0.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: