Alokasyon ng COVID-19 vaccines sa CALABARZON, higit 2.3-M na

Umaabot na sa mahigit 2.3 milyon ang natatanggap na bakuna laban sa COVID-19 ng CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 2,318,090 ang naibigay na anti-COVID vaccines sa rehiyon ng national government.

Ang CoronaVac na gawa ng Sinovac ng China ang pinakamarami na mahigit 1.24 milyon doses.

Sumunod ang AstraZeneca na nasa 631,000; Pfizer vaccines na lagpas 408,000; at Sputnik V na 35,400.

Samantala, nasa 418,000 indibidwal mula sa A1 hanggang A5 priority groups ang nakakumpleto ng bakuna kontra COVID sa Region IV-A.

Moira Encina

Please follow and like us: