Most amazing looking Pies

Itinuturing na ngayong World’s most talented pie maker si Jessica Leigh Clark-Bojin na dating isang filmmaker.

Nagsimula ang amazing journey ni Jessica sa mundo ng elaborate pies, dalawang taon na ang nakalilipas bilang new years’ resolution na babawasan na niya ang pagkonsumo ng asukal.

At ang pie ang tila pinakaligtas na paraan para ma-satisfy niya ang kanyang dessert cravings.

Pero dahil wala siyang alam sa Baking o sa pagluluto sa pangkalahatan, gumugol siya ng anim na buwan para madevelop ang kaniyang baking skills.

Sa kasalukuyan, ang fabulous pies ni Jessica ay sikat na sikat na sa social media at dito na rin siya kumukuha ng kaniyang ikinabubuhay  sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga “how-to-guides” sa mga pie enthusiasts na nais mag-bake ng sarili nilang edible works of art.

Libu-libo na rin ang kaniyang mga fansa sa Instagram at Facebook bukod pa sa success ng kaniyang famous blog na “Pies are awesome”.

Naitampok na rin sa mga popular na food art sites ang kaniyang mga pies na may iba’t-ibang style at hugis, mula sa mga popular na disney princesses hanggang sa mga Pop-art inspired pies na tampok ang mga celebrities.

Gumawa rin siya ngmga piescrapers at ang glow-in-the-dark dough na siya mismo ang nag-develop.

 

=== end ====

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *