50-anyos na babae, napagkamalang girlfriend ng kaniyang anak dahil sa pagiging young-looking

 

Ang 50-anyos nasi Liu Yelin ay madalas mapagkamalang girlfriend ng anak niyang lalaki, dahil sa batang itsura nito.

Una nang naitampok sa isang pahayagan si Yelin noong Mayo ng nakaraang taon matapos niyang ikuwento na lagi siyang napagkakamalang nobya ng anak niyang si Xie Yixuan.

Aa kasalukuyan, aabot na sa mahigit 150,000 na ang fans ni Liu sa Chinese Social media platform na Weibo at sumisikat na rin sya ngayon sa Instragram.

Bagama’t may kinalaman ang good genes sa youthful looks ni Liu, sinabi niya na ang pinaka-mahalagang bahagi ng kaniyang anti-aging efforts ay ang ehersisyo, gaya ng swimming at weight training.

Nitong nakalipas na taon, nilangoy ni Liu ang Malaysian strait sa layong  7.45 miles sa loob ng apat na oras, at noong  2016, ay nilangoy niya ang Yangtse river sa China at Han river sa South Korea.

Ayon kay Liu, pangarap niya na maging maganda pa rin ang itsura kahit 80-anyos na siya, at umaasa siya na maging inspirasyon siya ng ibang kababaihan para mag-ehersisyo upang maging mas maganda at confident.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *