Babaeng may pinakamahabang kuko sa buong mundo

Isang nail artist sa katauhan ni Ayanna Williams ng Houston, Texas ang pasok sa Guinness World records matapos makapagtala ng world’s longest nail.

 

Bawat kuko ni Williams ay may haba na 2 feet sa kaniyang kanang kamay pa lamang at sa kaliwang kamay niya ay may haba namang 10 feet at 8.5 inches. Habang ang kaniyang thumbnail ay may habang 2 feet at 2.7 inches  kaya ang total length ng lahat niyang kuko ay umaabot sa 18 feet at 10.9 inches.

Sinabi ni Williams sa Guinness na umaabot siya ng halos 20 oras at 2 full bottles upang mai-apply niya ng maayos ang kaniyang nail polish at para mapanatili itong mahaba, regular siyang nag-a-apply ng nail hardener at acrylic. Nililinis niya ang kaniyang mga kuko gamit ang antibacterial soap at isang special nail brush.

Itinuturing naman niyang biggest challenge ay ang pagsusuot niya ng pants at hindi rin niya nagagawang maghugas ng pinggan at kapag siya ay natutulog ay inihihiga niya ang kaniyang mga kuko ng maingat.

Si Williams ay nagpapahaba na ng kuko sa loob ng 20 taon.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *