Buhay na linta,  nakuha sa ilong ng lalaki sa China

Nakaranas ng sampung araw na tuloy-tuloy na pagdurugo ng ilong, ang 51-anyos na lalaki sa China, kaya nagtungo na silang mag-asawa sa pagamutan.

Ayon sa asawang babae, may napansin siyang lumabas sa ilong ng kaniyang asawa, nguni’t nawala ito ng silipin nya.

Dahil dito ay naghinala ang babae na may kung anong nasa loob ng ilong ng kaniyang asawa.

Ang proseso ng pagtatanggal sa kung anoman ang nasa loob ng ilong ng lalaking pasyente ay ginawa ni Dr. Liu Xiongguang sa Beihai People’s hospital sa South China, at kinunan naman ng video ng isang nurse.

Habang tinatangkang hilahin, ay sinabi ng doktor sa pasyente na kumalma lamang, nguni’t halos mahimatay naman ang nurse nang makita na isa palang buhay na linta ang nasa loob ng ilong ng lalaki.

Hindi malaman kung paanong napunta sa loob ng ilong ng lalaki ang linta, subali’t maaaring nakapasok ito nang maligo sa  ilog ang lalaki.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *