High-tech pen na kayang kopyahin ang anumang kulay

Tinatawag na “Scribble pen”, ito ang kauna-unahang color picking pen sa buong mundo na gumagaya ng kulay ng anumang bagay sa pamamagitan lamang ng pagtutok o pag-scan sa mga ito.

Sa pamamagitan ng pagtapat ng ibabaw ng ballpen sa anumang bagay ay kokopyahin nito ng tumpak ang kulay.

Mayroon din itong color sensor at micro-processor na nakaka-detect ng kulay at nagpo-proseso para kopyahin ito.

Habang ang smart micro pump naman nasa loob ng pen ang naghahalo ng kulay mula sa revolutionary ink cartridge nito.

Ayon sa imbestigador ng pen, water resistant at hindi kumukupas ang ink nito at kayang magre-produce  ng hanggang sa 16 million different shades.

Ang kakaibang ballpen na ito ay nagkakahalaga ng 249 US dollars.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *