Isang 42 years old na lalaki, tinaguriang human light bulb sa India

Si Naresh Kumar 42  anyos  mula sa Muzzafarnagar, Northern India, na umanoy kakaibang kakayahan na kumain ng kuryente.

Unang nadiskubre ni Naresh ang kaniyang talento nang aksidente niyang mahawakan  ang isang live wire sa kaniyang pinagtatrabahuhan at hindi man lang siya nakuryente o nasaktan.

Dahil dito, sinubukan niyang i-explore ang kaniyang kakayahan at kapag karakaramdam siya ng gutom ay humahawak siya ng live wire o ng anumang bagay at appliances na may kuryente ay naiibsan na ang kaniyang gutom.

Ayon kay Naresh 80 porsyento ng kaniyang katawan ay binubuo na ng elektrisidad.

Kaugnay nito, naging laman na si Naresh ng balita sa India at maging sa social media.

Ulat ni: Violy Escartin

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *