Pinaka-maanghang na ice cream sa buong mundo

Tinatawag na “Respiro Diavolo ice cream” na gawa sa iba’t-ibang klase ng sili ang itinuturing na World’s most dangerous ice cream.

Dinala sa Scotland ni Martin Bandoni, may-ari ng Aldwych cafe and Ice cream parlour ang Respiro del diavolo ice cream.

Pero ang recipe aniya ng nasabing ice cream ay pag-aari ng mga Italian gelato maker.

Ang recipe na ito ay ginagamit bilang pagsukat sa katapangan sa taunang pagtitipon ng mga tinatawag nilang Masters of Trade.

Pero naisip ni Bandoni na pwede rin itong maging commercial hit kaya inilagay niya ito sa menu ng kaniyang ice cream parlour sa Glascow, Scotland.

 

 

Tagumpay naman ang ginawa ni Bandoni, katunayan, dinarayo ng mga taga United Kingdom ang kaniyang ice cream parlour upang matikman ang super anghang na ice cream.

 

===  end  ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *