Unggoy sa India , nag-ampon ng tuta

 

                       photo credit: zeenewsindia.com

 

Sabi nga “Selling like Hotcake” at “Spreading like a raging bushfire,” ang heroic story ng isang unggoy sa India, na umampon at kumalinga sa isang tuta.

Ayon sa mga taong nakakakita sa isang Rhesus Macaque at sa ampon nitong tuta, pino-protektahan ng unggoy ang tuta na parang siya ang magulang nito.

Ang tuta ay inaaruga ng unggoy at tinitiyak na hindi ito magugutom.

Ipinagtatanggol din niya ito laban sa iba pang mga aso na nagtatangkang saktan ang kaniyang “ampon.”

Dahil sa nakikitang pag-aalaga ng unggoy sa kaniyang ampong tuta, hindi lamang simpatya ang kanilang nakukuha kundi binibigyan din sila ng pagkain ng mga taong nakakakita sa kanila, saan man sila magpunta.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *