Ang pagpanaw ni David Bowie dahil sa sakit na cancer

Ang legendary rock star David Bowie ay pumanaw na matapos lihim na makipaglaban sa sakit na cancer sa edad na 69

“Si David Bowie ay pumanaw na ngayon sa tabi ng kaniyang pamilya matapos ang  18 buwan ng matapang na pakikipaglaban sa cancer” Bowie’s Facebook page dated (January 10), ang anak ni Bowie na si Duncan Jones ay kinumpirma ang pagkamatay.

Ang mga nakikiramay ay nag alay ng bulaklak at kandila sa Brixton area South London kung saan siya isinilang, bumuhos ang mga pagkilala mula sa malalaking pangalan sa larangan ng musika, kasama ang Rolling Stone, Madonna at rapper Kayne West.

Si David Jones ay Isinilang sa South London dalawang taon matapos ang World War Two, siya ay natuto ng saxophone sa edad na 13 bago niya binago ang kaniyang pangalan sa David Bowie upang maiwasan ang pagkalito sa Monkees’ Davy Jones sabi ng Rolling Stone.

Sa isang music video na sinasamahan ni Bowie na bagong Blackstar album, na inilabas sa kaniyang 69th birthday noong biyernes, ipinakita ang mang aawit na nasa hospital bed na may mga bandage sa paligid ng kaniyang mata. (Reuters)

 

Please follow and like us: