“Ang Panahon ng Halimaw” ni Lav Diaz, pasok sa main showcase ng Berlin Film festival

 

Napasama sa major film festival sa Berlin ang pelikulang ‘Ang panahon ng halimaw” ni Lav Diaz.

Ang Berlin film festival na nagdiriwang ng kaniyang ika-68 na taon ay gaganapin mula Pebrero 15 hanggang 25 kung saan nasa 24 na mga pelikula mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang magkakaroon ng screening.

Maglalaban-laban ang mga pelikula kasama ang pelikula ni Lav Diaz para sa Golden bear top prize at isa sa magsisilbing hurado ay ang German director na si Tom Tykwer.

Kabilang sa mga gumanap sa pelikula ni Lav ay sina Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Pinky Amador, Bituin Escalante at marami pang iba.

Kasama ng pelikula ni Lav Diaz sa main showcase ang mga pelikula mula Germany, Bulgaria, US, Russia, Switzerland, Italy, Norway, Britain, France, Poland at iba pa.

 

===   end   ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *