Anim na CA Justices at isang Law School Dean pasok sa shortlist para sa mababakanteng pwesto sa SC

Inilabas na ng Judicial and Bar Council ang shortlist para sa babakantehing pwesto sa Korte Suprema ni Associate Justice Bienvenido Reyes na magreretiro sa July 6.

Anim na mahistrado ng Court of Appeals at isang Law School Dean ang pasok sa pinal na listahan ng mga nominado sa Supreme Court post  na isusumite sa Malakanyang para pagpilian ni Pangulong Duterte.

Nanguna sa listahan si CA Presiding Justice Andres Reyes Jr., na nakakuha ng pitong boto.

Kasama rin sa shortlist sina CA Justices  Rosmari Carandang, Jose Reyes Jr., Apolinario Bruselas Jr., Japar Dimaampao, Amy Lazaro-Javier at si Centro Escolar University School of Law Dean Rita Linda Ventura-Jimeno.

Noong Lunes ay sumalang sa public interview ng JBC ang walo sa labing-dalawang aplikante.

Sa ilalim ng saligang batas, may siyamnapung araw ang Pangulo mula nang mabakante ang pwesto para magtalaga ng  panibagong mahistrado.

Ulat ni: Moira Encina`

 

 

Please follow and like us: