Anim na mahistrado ng SC tetestigo laban kay CJ Sereno – Gadon

Hindi bababa sa anim na kasalukuyan at retiradong mahistrado ng Korte Suprema ang nagpahayag ng kahandaan na tumestigo sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, isa sa nagsampa ng impeachment complaint laban kay Sereno, madaragdagan pa ang listahan ng mga SC Justices na nais magpahayag ng testimonya laban kay Sereno.

Mayroon pa aniyang mga retiradong mahistrado ng Supreme Court ang nagpahayag ng interes na tumestigo sa impeachment proceedings.

Sisimulan na ng Kamara sa Miyerkules ang deliberasyon sa impeachment case kay Sereno para idetermina kung may sapat na porma at substansya.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *