Anim patay, 24 sugatan sa pagguho ng Apartment building sa Poland

                   photo credit: bbc.co.uk

Patay ang anim katao habang 24 ang sugatan sa pagguho ng isang gusali sa Kanlurang bahagi ng Poznan City sa Poland.

Ayon kay Fire Department Spokesperson Slawomir Brandt, mayroong 18 apartment sa loob ng gusali na tahanan ng 40 residente.

Inaasahan aniyang tatagal pa ang paghahanap sa iba pang mga biktima.

Ilan sa mga residente ang nakarinig umano ng malakas na tunog at iyak ng mga taong sumisigaw ng “Save us”.

Nangako naman ang pamahalaan sa mga apektadong residente ng tulong pinansyal at mga istrukturang kanilang matutuluyan.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *