Ano nga ba ang kaibahan ng Psychiatrist sa Psychologist?

Magandang araw sa inyong lahat, mga kapitbahay! Kamakailan ay nakapanayam ng inyong lingkod si Dr. Reynaldo J. Lesaca Jr., isang mahusay na psychiatrist.

Siya ay tumanggap ng napakaraming parangal at ngayon ay kunektado siya sa National Kidney and Transplant Institute, NKTI. Pinarangalan din siya bilang Ulirang Ama awardee.

Karaniwang tawag sa kanya ng mga kakilala ay Ronnie. Ang kanyang adbokasiya bilang manggagamot ay ang patuloy na makatulong sa mga nangangailangan ng kanyang serbisyo, lalo pa nga ngayon na kakaunti lamang ang psychiatrist sa bansa, wala pa sa isanlibo.

Sa panahong ito ng pandemya, sabi niya, napakarami ang nangangailangan ng kanilang serbisyo. Marami ang may mental health issues tulad ng anxiety and depression.

Nais din niyang maipalaganap ang mga kaalaman upang mabuksan ang kaisipan ng ating mga kababayan lalo pa nga at marami pa rin ang hindi nakababatid ng pagkakaiba ng isang psychiatrist sa psychologist.

Kaya nga itinanong na natin sa kanya, ang kaibahan ng pyschiatrist sa pyschologist. Ito ang ang paliwanag niya… ang psychiatrist ay mediko o nagbibigay ng gamot. Ang pinakamataas na antas na maaabot ng psychologist ay Doctor of Philosophy o PhD.

Pero, may overlap sa sakop, ang kalamangan lamang ng isang psychiatrist bilang manggagamot, kung kailangan na bigyan ng gamot ang pasyente ay maaari silang magbigay.

Samantala, isa sa dapat na maalis aniya sa atin ay ang ‘stigma’ o hindi magandang pag-iisip na kapag sinabing kailangan mong komunsulta sa psychiatrist ay iba na agad ang iisipin. Ang iba ay inaakala na sila ay nasisisraan ng ulo kaya psychiatrist ang dapat na puntahan.

Nilinaw ni Doc Ronnie na maaaring mauwi sa pagkabaliw kapag napabayaan. Mas matindi ang sinasabing baliw na ang tamang terminong medikal na dapat gamitin ay ‘psychosis’ o pagkawala ng ulirat o nawawala sa wastong pag-iisip.

At sa atin pang pakikipagkuwentuhan kay Doc Ronnie, naitanong ko kung ang pagiging manggagamot ba ang gusto talaga niya magmula pa noong bata siya? Ang tugon niya sa kanilang walong magkakapatid, siya lang ang duktor kasi ito talaga ang gusto niya.

At ngayon ay 44 years na siya sa clinical practice ng psychiatry at sinisikap niyang hindi mapressure sa mga hinahawakan niyang kaso.

Ang kanyang secret para hindi mapressure? Meron siyang tinatawag na ‘switch’, on and off. Naka-on kapag naka-engage sa pasyente, pagtapos naman ng araw, kapag tapos na ang trabaho, naka-off na.

LIbig sabihin kapag naka-off hindi na siya doktor kundi isang ordinaryong mamamayan na lamang. Noon naman ay hindi siya nagbibigay ng cellphone kung kaya hindi niya problema o alalahanin kung may tatawag pa sa kanya.

Salamat po Doc Ronnie sa pagbahagi ng kaalaman.

Please follow and like us: