Anong gusto n’yo fresh o cold?

Usapang frozen tayo, not frozen shoulder but frozen meat business.

Isa kasing negosyante ng frozen meat ang nakausap ko at ganito tumakbo ang usapan namin …

Alam na ninyo marahil na isang pamamaraan para hindi masira ang food items ay ang paggamit ng freezer.

Ang lamig, brrrr !

Sa pagnenegosyo ito ang pinakamahalaga lalo na kapag ang produkto ay karne.

Inalam natin kay si Mr. Angelo Dizon, frozen meat dealer, ang ilang bagay, sa pagpapatakbo ng ganitong negosyo.
Sabi niya nagsimula noong pandemya, isa sila sa mga apektadong negosyante, nag-isip kung ano ang maaarin nilang ibenta, na may kaugnayan sa pang araw-araw na pangangailangan na hindi madaling masira, dito nila naisip na pasukin ang frozen meat.

Nagsimula sa kalsada/ bangketa.

Hanggang sa humanap na sila ng sariling puwesto.

Isang mahirap na naranasan, ay ang pagkuha ng permits gaya ng barangay at meat inspection.

Kaya nga naitanong natin kay Gelo ang tips sa pagpili ng frozen meat products.

Sabi niya mas madaling matutuhan ang frozen meat kaysa sa fresh meat.

Unang titingnan kung may mga papeles, then sa box ng frozen meat may nakalagay kung saang bansa galing.

May mga bansa kasing bawal kuhanan ng karne gaya ng Germany.

Then expiration date, and then ang karne mismo nakalagay sa box.

Eto pa, dito malalaman kung may “freezer burn” ang karne.

Ano ang freezer burn?

Ang Freezer burn ang nagiging resulta kapag labas-pasok sa freezer o storage ang karne.

Kaya ang itsura ay nag-iiba, para siyang may amag, nagkukulay dilaw kadalasan sa parte ng taba.

Kapag nagkaroon ng freezer burn maaaring maapektuhan ang kalidad ng lasa.

Dagdag pa ni Gelo na importante ang pagkakaroon ng freezer van.

Kapag nailabas kasi ang karne sa storage, dapat mailagay sa van, at maihatid na ito kung saan gagamitin.

Napakahalaga ang mapanatili ang temperatura ng meat.

Siyempre hindi natin pinalampas ang pagtatanong tungkol sa pricing.

Sabi niya, pagdating sa presyo, napakalaki ng diperensiya sa presyo ng frozen meat kumpara sa sariwang karne.

Mas murang di hamak ang frozen meat.

Binigyan-diin niya na mahalagang dumadalo sa mga seminar upang malaman ang tungkol sa standard ng frozen meat.

Magkaroon tayo ng sapat na oras para sa negosyo.

Maging mabusisi din sa detalye, dahil kapag may nakalimutan malaki ang epekto sa negosyo.

Kayo anong mas type ninyo fresh or frozen?

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.