Antas ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon, naragdagan

Tumaas ang antas ng tubig ngayong araw sa mayorya ng mga dam sa Luzon.

Sa datos ng Pag-Asa Hydro-meteorology division, hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, ang Angat dam ay naitala sa 200.15 meters mula sa antas nito kahapon na 199.65 meters.

Naragdagan din ang antas ng tubig sa Ipo dam, La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dam.

Habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Caliraya dam.

Please follow and like us: