January 25, 2021
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
RadyoAgila.com RadyoAgila.com
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Menu
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Balita Ngayon
  • COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 513,000
  • Florida, hihingi ng proof of residence para sa bibigyan ng vaccines
  • Fabric facemasks, pwede pa ring gamitin pangproteksyon laban sa bagong variants ng COVID-19 ayon sa WHO
  • Iba’t-ibang munisipalidad sa Kalinga, muling isasailalim sa community quarantine sa loob ng 14 na araw
  • Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, nagpositibo sa COVID-19
  • Ina at kasintahan ng unang UK variant case sa Pilipinas, negatibo sa B.1.1.7
  • Inbound passengers na galing sa mga bansang may travel restrictions, kinakailangan na ngayong sumailalim sa 2nd COVID-19 testing
  • Napaulat na kanselasyon ng Tokyo Olympics, hindi totoo
  • James, naka-score ng 34 sa ikawalong sunod na panalo ng Lakers
  • Pinoy na nagpositibo sa Covid-19 variant, negatibo na sa virus
02:57 AM Clock
Home Local news Anti-Prank ordinance, nilagdaan na sa Muntinlupa City

Anti-Prank ordinance, nilagdaan na sa Muntinlupa City

on: October 23, 2020

Nilagdaan na ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang Local Ordinance 2020-141 o Anti-Prank Caller na nagbabawal sa maling paggamit ng Emergency Hotline ng Lungsod ng Muntinlupa. 

 Binigyang diin ng alkalde na ang sinomang lalabag sa naturang ordinansa, pangunahin na ang mga kabataan ay maaaring mapatawan ng parusa at may posibilidad pang maalisan ng scholarship grant ng Local Government Unit (LGU). 

 Nakasaad din sa ordinansa na ang mahuhuling lalabag ay magmumulta ng P5,000 at pagkakulong ng tatlumpong (30) hanggang siyamnapung (90) araw.

Samantala,  isang araw na seminar naman ang gagawin ng City Department of Disaster Resilience Management sa mga mahuhuling menor de edad para sa unang opensa ( 1st offense ), pagkansela ng Scholarship Grant sa mga pinagkalooban ng MSP o multa ng tatlong daang piso ( P300) para sa hindi napagkalooban ng Scholarship Grant ng LGU. 

 Limang daang piso (P500) naman sa ikatlong paglabag na ang guardian o magulang ng menor de edad ang maaaring magmulta.

Binigyang diin din ni Fresnedi na ang idineklarang Emergency Hotline ay para lamang sa agarang pagtugon ng Local Agency na may kaugnayan sa Emergency Response ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Muntinlupa Traffic Management Bureau ( MTMB) at Disaster Risk Reduction Management ( DRRM). 

Binalaan din ang publiko na nakikipag-ugnayan ang Local Executive sa National Bureau of investigation (NBI) at National Telecommunications Commission (NTC) para sa agarang pagtukoy sa mga taong gagawa ng alarma o kalokohan para lamang pag-tripan umano ang mga nakatalagang operator sa naturang emergency hotline. 

 Ipinaalala rin ng alkalde na ang Emergency Hotline ng Lungsod ay para lamang sa agarang pagtugon ng mga kinauukulan sa panahon ng sakuna, kalamidad tulad ng bagyo, sunog, pagbaha at iba pang emergency rescue. 

 Jimbo Tejano

  • Anti-Prank ordinance, nilagdaan na sa Muntinlupa City
    Previous

    Sto.Tomas, Pangasinan, magsasagawa ng measles, rubella at oral polio vaccine supplemental immunization campaign

  • Anti-Prank ordinance, nilagdaan na sa Muntinlupa City
    Next

    Conversion ng Manuel L. Quezon University sa Maynila bilang Quarantine facility, natapos na ng DPWH

2014 Powered By Wordpress, Goodnews Theme By Momizat Team

  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Desktop Version Mobile Version
We process and collect personal data based on our Terms of Use and Privacy policy to improve and analyze our service.I agree