January 25, 2021
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
RadyoAgila.com RadyoAgila.com
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Menu
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Balita Ngayon
  • COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 513,000
  • Florida, hihingi ng proof of residence para sa bibigyan ng vaccines
  • Fabric facemasks, pwede pa ring gamitin pangproteksyon laban sa bagong variants ng COVID-19 ayon sa WHO
  • Iba’t-ibang munisipalidad sa Kalinga, muling isasailalim sa community quarantine sa loob ng 14 na araw
  • Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, nagpositibo sa COVID-19
  • Ina at kasintahan ng unang UK variant case sa Pilipinas, negatibo sa B.1.1.7
  • Inbound passengers na galing sa mga bansang may travel restrictions, kinakailangan na ngayong sumailalim sa 2nd COVID-19 testing
  • Napaulat na kanselasyon ng Tokyo Olympics, hindi totoo
  • James, naka-score ng 34 sa ikawalong sunod na panalo ng Lakers
  • Pinoy na nagpositibo sa Covid-19 variant, negatibo na sa virus
02:45 AM Clock
Home IBANG BANSA Antiviral na remdesivir, inaprubahan na ng US para gamiting panggamot sa COVID-19

Antiviral na remdesivir, inaprubahan na ng US para gamiting panggamot sa COVID-19

on: October 23, 2020

Inanunsyo ng Gilead Sciences, Inc., na inaprubahan na ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang antiviral drug na remdesivir, para panggamot sa mga pasyenteng may COVID-19 na nasa ospital.


Ayon sa Gilead, ang gamot na ang brand name ay Veklury, ang tanging panggamot para sa COVID-19 na inaprubahan sa ilalim ng isang mas mahigpit na proseso.

Gayunman, may iba pang mga paggamot na inaprubahan din para gamitin sa emergency, subalit ang ibinigay na pahintulot ay maaaring bawiin sa sandaling matapos na ang coronavirus pandemic.

Ang iba pang gamot gaya ng steroid na dexamethasone, ay ginagamit din sa paglaban sa COVID-19.

Samantala, binigyan din ng pansamantalang pahintulot ng Europe at iba pang mga bansa gaya ng Canada, ang paggamit sa remdesivir.

Ang remdesivir na ibinibigay sa pamamagitan ng injection, ay isa sa mga unang gamot na nagpakita ng pag-asa sa pagpapabilis ng paggaling ng ilang pasyenteng may coronavirus.

Subalit ang bisa nito para mabawasan ang pagkamatay bunga ng COVID-19, ay hindi pa napatutunayan.

Maaari itong ibigay sa mga matatanda at batang lampas ang edad sa 12, na tumitimbang ng higit sa 40 kilo (88 libra) na kailangang dalhin sa ospital para magamot, dahil ito ay maaari lamang ibigay sa mga pasyenteng nasa ospital.

Binigyan naman ng emergency approval ang remdesivir para magamit sa mga batang pasyente na wala pang doce anyos, na tumitimbang ng hindi bababa sa 3.5 kilo.

Si US President Donald Trump, na nagpositibo sa coronavirus sa unang bahagi ng Oktubre, ay binigyan ng remdesivir kasama ng iba pang mga gamot.

Ang naturang gamot ay itinakda ng Gilead sa halagang $390 bawat vial sa developed countries.

© Agence France-Presse

  • Antiviral na remdesivir, inaprubahan na ng US para gamiting panggamot sa COVID-19
    Previous

    Office of the VP at USAID inilunsad ang libreng training program para sa mga out-of-school youth at mga walang trabaho

  • Antiviral na remdesivir, inaprubahan na ng US para gamiting panggamot sa COVID-19
    Next

    Iglesia Ni Cristo magsasagawa ng Lingap sa Mamamayan sa Ormoc City Leyte sa Oktubre 31.

2014 Powered By Wordpress, Goodnews Theme By Momizat Team

  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Desktop Version Mobile Version
We process and collect personal data based on our Terms of Use and Privacy policy to improve and analyze our service.I agree