Apat na hinihinalang biktima ng human trafficking nasagip ng PCG sa Tawi -tawi city

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang apat na hinihinalang biktima ng human trafficking sa Tawi-Tawi City.

Sa ulat ng PCG, ang 4 ay sakay ng M/V Everqueen na lalabas ng Pilipinas sa pamamagitan ng backsplash channel.

Umamin umano ang mga ito na papunta sila sa Malaysia kung saan sila ay magtratrabaho bilang mga logger sa isang logging company.

Nasa kustodiya na ng Bongao Municipal Inter agency Committee Against Trafficking ang apat kung saan sila ay isasalang sa imbestigasyon.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *