Apat na karagdagang kaso, naitala sa hanay ng mga Filipino sa ibang bansa

Apat na karagdagang kaso ng Covid-19 ang naitala sa hanay ng mga Filipino sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dahil dito umakyat na sa 11,699 ang kabuuang kaso.

Wala namang naitalang bagong mga pumanaw na pasyenye kaya nananatili sa 847 ang bilang ng mga namatay at ang recovery cases ay naitala sa 7,578.

Nananatili ang Middle East at Africa ang may pinakamaraming kaso ng Covid-19, recoveries at deaths sa mga Filipino abroad.

Please follow and like us: