Apat na preso, nakatakas gamit ang kwerdas ng gitara

(Ulat ni eaglenews correspondent Junie Zamoras)

Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang apat na suspek na nakatakas mula sa Roxas Municipal Police Station ng Roxas, Zamboanga del Norte, matapos na putulin ng mga ito ang rehas ng kanila selda, gamit ang kwerdas ng gitara.

Kinilala ni Regional Director, PRO 9 Police Brigadier Jesus D.Cambay, Jr., ang mga tumakas na bilanggo na sina Welly Celino Catoy, 23 anyos, akusado at Robert Quinicar Quinto, 46 anyos, kapwa may kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions; at sinaWilfredo Antiquina Espelita,19 anyos na may kasong may kaugnayan sa iligal na droga at Roger Barillo Feras na may kasong Attempted Homicide.

Sinamantala ng mga suspek ang malakas na buhos ng ulan upang isagawa ang pagtakas noong Huwebes ng madaling araw, Agosto 20.

Ayon kay P/B.Gen .Cambay Jr, inutusan niya ang lahat ng PNP Units sa Zamboanga del Norte na hanapin ang mga pugante sa lahat ng mga posibleng puntahan ng mga ito.

Please follow and like us: