Apat na pulis, patay sa ambush sa Davao del Sur

DAVAO CITY—Patay ang apat na pulis at isa ang sugatan sa nangyaring ambush sa Barangay Sibayan, Bansalan, Davao del Sur.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina PO1 Rolly Benelayo, PO1 Joe Narvaza, at PO1 Saro Mangutara na pawang mga miyembro ng Bansalan Municipal Police Station at PO3 Jayden Rabor na kabilang sa SOCO team.

Hinala niPCI Adrian Antonio, hepe ng Bansalan PNP, rumesponde sila sa lugar matapos makatanggap ng report mula sa kapitan ng nasabing Barangay ukol sa pinaslang na dalawang indibidwal sa kanilang lugar.

Subalit  pagdating sa area, bigla na silang pinaulanan ng bala ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA habang nakasakay sa patrol car.

Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa rebeldeng grupo.

Ulat ni: Haydee Jipolan

Please follow and like us: