Apat pang pasyente ng Covid-19 sa San Juan city, nakarekober

Nadagdagan ng apat ang bilang ng mga nakarecover sa covid-19 sa lunsod ng San Juan.

Inanunsyo ni Mayor Francis Zamora ang magandang progreso sa paglaban ng lunsod sa Covid 19.

Ito ay matapos ang dalawang magkasunod na negative result sa Covid -19 test ng apat na bagong nakarecover sa sakit.

Wala ring naitalang namatay sa tatlong magkakasunod na araw.

Nagpaalala naman ang San Juan LGU sa mga mamamayan nito na patuloy na sumunod sa guidelines na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) gaya ng pagsusuot ng face mask upang mapigilan na pagkalat ng virus sa lunsod.

Ang sinumang masusumpungan na lalabag sa patakarang ito ay papatawan ng parusa.

Ulat ni Ken Mesina

Please follow and like us: