Apat sugatan sa salpukan ng dalawang motor sa San Jose Del Monte, Bulacan

Dalawang motorsiklo ang nagbanggaan sa Quirino Highway  Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte City Bulacan.
Lulan ng isang motor ang 2 babae at isang lalakeng driver nang ito ay biglang banggain ng isang motorcycle rider na biglang nag-couterflow at mabilis ang takbo nito sa Southbound lane ng Quirino Hiway.
 
Nagtamo ng mga sugat ang tatlo na lulan ng isang motor at nawalan naman ng malay  ang isang rider.
 
Ayon sa driver ng isang motor, pauwi na sila at  tinatahak ang southbound lane ng Quirino highway ng biglang sumulpot ang nag-counterflow na rider.
Dalawa sa ankas niya ay hindi makatayo at sugatan ang bahaging braso at mga binti.
Nagtamo rin ng mga gasgas sa braso, binti at mga sugat sa paa ang driver nito.
 
Dinala na sa malapit na pagamutan ang mga naaksidente.
Ulat ni Cez Rodil, Bulacan correspondent
=== end ===
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *