Aplikante para sa mga bakanteng puwesto sa Court of Appeals at Court of Tax Appeals, umabot sa 36

Kabuuang 36 ang nagsumite ng aplikasyon para sa mga bakanteng posisyon sa Court of Appeals at Court of Tax Appeals.

Ito ay batay sa listahan ng Judicial and Bar Council.

Mula sa nasabing bilang, umaabot sa 22 ang nag-apply para sa CA posts ng mga nagretirong sina Associate Justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello.

May dalawa naman na aspirante para puwesto sa CTA ni Associate Justice Juanito Castañeda Jr. habang umaabot sa 12 ang naghain ng aplikasyon para sa parehong CA at CTA posts.

24 sa mga ito ang haharap sa JBC public interviews habang ang 12 sa mga aplikante ay valid pa ang nakaraang panayam.

Itinakda ng JBC interviews sa ilang aplikante sa June 7, 13, 15, 20, at 21 sa Supreme Court Session Hall at June 16 sa CA Auditorium.

Moira Encina

Please follow and like us: