ATM ng BDO nagkaroon din ng problema

download
courtesy of wikipedia.org

Nakatangap ng mga ulat ang BDO na nagkakaroon din ng problema ang kanilang mga Automated Teller Machines.

Kasunod ito ng ulat na sa ilang transaksiyon nabawasan ang pera ng kanilang mga cardholder.

Sinabi ng opisyal ng BDO, maraming kliyente na ang nagreklamo tungkol sa problemang ito.

Nakabantay naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa sitwasyon ng naturang bangko.

Ayon kay Incoming Central Bank Governor Nestor Espenilla Jr., inaalam na ng BSP kung anong naging problema para mabigyan ito ng agarang lunas.

Ang pag-atake sa mga ATM ng BDO ay kasunod ng naging glitch sa Bank of the Philippine Islands noong nakaraang linggo.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *