Atty. Larry Gadon kumpiyansang mapapatalsik sa pwesto si CJ Sereno

Kumpiyansa si Atty. Larry Gadon na tuluyang ma-iimpeach si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, kasunod ng kanyang inihaing impeachment complaint dito.

Ayon kay Gadon, maraming mga mambabatas ang tiyak na boboto para ma- impeach ito.

Giit ni Gadon, bukod sa may siyamnapu’t walong Kongresista na ang siguradong boboto para ma-impeach si Sereno ay may dalawa hanggang tatlong mahistrado ang handang tumestigo laban sa kaniya.

Tiwala rin ang complainant na maging ang mga Senador na tatayong judge sa impeachment trial ay posibleng makumbinse na i-impeach si Sereno sa oras na makita ang laman ng reklamo at ang mga dokumentong magsisilbing ebidensya laban sa punong mahistrado.

Aminado naman si Ako-Bikol Partylist Representative Rodel Batocabe na ang boses ng taongbayan ang pakikinggan ng mga mambabatas kaugnay ng dalawang impeachment proceedings sa Kamara.

Aniya, kung nais ng taongbayan na mapatalsik na sa puwesto si Sereno ay walang magagawa ang mga Kongresista at Senador kundi pakinggan ang mga ito.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *