AWOL na pulis, huli sa entrapment operation ng PNP Maritime Group

Arestado ang isang AWOL na  pulis sa ikinasang entrapment operation ng PNP Maritime Group National Capital Region.

Nakilala ang suspek na si PO1 Don De Quiros Osias II, dating pulis Malabon  na nag-AWOL  noon pang Pebrero 2016.

Photos: PNP Maritime Group-NCR

Ayon kay NCR PNP Maritime Group Chief P/ Col. Ricardo Villanueva, ikinasa ang entrapment bunsod ng mga reklamo kay Quiros  na robbery extortion at ito ay nagpapakilalang operatiba ng PNP Maritime.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni PNP Maritime Group Director B/Gen. Omega Jireh Fidel ang pagdakip sa suspek.

Naganap ang entrapment nang magpanggap ang mga kagawad ng PNP Maritime na mga  biyahero ng Isda kung saan ay pinara sila ng suspect  sa kahabaan ng Banyera St. at humingi ito ng pera sa kanila.

Nang maiabot na mismo ng pulis ang pera  sa suspek ay dito na siya pinaikutan at hinuli.

Pero nang akmang manlalaban ay agad na pinutukan ng mga pulis ang kaliwang binti ng suspek upang di na makapanlaban.

Edison Domingo Jr.

Please follow and like us: