Ayuda para sa mga apektado ng bagyong Ambo, sapat – Malakanyang

 

Tiniyak ng Malakanyang na sapat ang ayuda na maibibigay ng gobyerno sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ambo.

Sinabi ni Presidential spokesman secretary Harry Roque na nakapaghanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ng sapat na relief goods at evacuation centers para sa mga biktima ng bagyong Ambo.

Ayon kay Roque mahigpit na ipatutupad ang social distancing sa mga evacuations center dahil nananatili ang banta ng Covid 19.

Inihayag ni Roque na bago pa man manalasa ang bagyong Ambo ay nakanda na ang mga Local Government Units dahil sa isyu ng Covid 19.

 

Ulat ni  Vic Somintac

Please follow and like us: