Ayuda para sa mga sektor na apektado ng linggo linggong oil price increase, inihahanda ng pamahalaan

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Energy DOE sa mga sektor na apektado ng linggo linggong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo para magbigay ng ayuda.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na ikinakasa ng DOE ang pagbabalik ng Pantawid Pasada Program sa pamamagitan ng Department of Transportation o DOTR at Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB.

Ayon kay Nograles makikinabang ang may 179,000 na franchise holder ng mga public transport sa ipapamahaging Pantawid Pasada Card na may lamang tig limang libong piso na magagamit sa mga gasolinahan.

Inihayag ni Nograles ang Pantawid Pasada Program ay tulong ng pamahalaan sa sektor ng transportasyon na pinakaapektado sa nagaganap na oil price adjustment.

Batay sa record pitong beses ng nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong ang mga kumpanya ng langis sa bansa mula ng pumasok ang taong 2022.

Vic Somintac

Please follow and like us: