Babae sugatan matapos masagasaan ng L300 van sa Palo Leyte

Sugatan ang isang babae matapos itong masagasaan habang tumatawid sa Maharlika Highway, sa Palo Leyte.


Kinilala ang biktima na si Lucia Canuda.

Kinilala naman ang driver ng van na si David Tatierra.


Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang pagpapatakbo ng driver ng van nang masagasaan nito ang babae at mabalian ng buto.

Sa inisyal na imbestigasyon naman ng mga otoridad, nakainom ang driver ng van at hindi nakita ang babaing tumatawid sa daan. 


Agad namang dinala sa ospital ang biktima ng mga tauhan ng Palo Leyte Rescue team.

 
Nasa kustudiya na ng mga pulis ang driver at nahaharap sa iba’t-ibang reklamo.

Ulat ni Nicol Ragay

photo credit: Brylle Driza 

Please follow and like us: