Bacoor city, Cavite DRRMO, sarado muna matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilang tauhan nito

Sarado pansamantala ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng Bacoor city, Cavite.

Sa Executive Order ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, nakasaad na ang temporary closure ng Bacoor DRRM Office hanggang August 31, 2021.ito ay matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilan nitong tauhan.

Ang isa rito nagpositibo sa RT-PCR test habang may lima naman ang nagpositibo sa antigen test.

Maaari pa rin naman umanong makipag-ugnayan sa Bacoor DRRMO sa pamamagitan ng kanilang Official Facebook Page at Emergency Hotline ALERT 161.

Patuloy pa rin umano silang magbibigay serbisyo sa pamamagitan ng ALERT 161 Emergency Hotline at Ambulance and Rescue Services.

Habang ang Bacoor PNP naman muna ang magsasagawa ng mga Rescue Operations sakaling may mangyaring sakuna.

Madz Moratillo/ TL

Please follow and like us: