Bacoor city Public market, isinasaayos na bago ang muling pagbubukas sa Sabado, Aug. 22

Ilang araw bago muling buksan ang pamilihang bayan sa Bacoor City, Cavite ay patuloy ang pagsasaayos nito.


Naglagay ng mga visual markers sa mga daanan sa palengke na magsisilbing gabayu ng mga mamimili para mapanatili ang social distancing.


Mismong ang may-ari na ng mga stall ang siyang naglilinis ng kani-kanilang puwesto at naglalagay ng mga pananda at lababo na paghuhugasan ng kamay ng mga mamimili. 


Inaasahang sa August 22 ng alas-5:00 ng umaga ay muling bubuksan sa publiko ang nasabing pamilihan matapos isara ito sa mga mamili noong nakaraang linggo dahil sa mga naitalang kaso ng Covid-19 sa mga tindero at tindera ng pamilihan.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: