Bag na napulot ng isang pulis sa Pangasinan, naibalik sa may-ari

Ibinalik sa may-ari ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan, ang bag na kaniyang napulot.

Sa pahayag ni police Captain Peter Paul V. Sison, Officer In Charge ng PNP Sto. Tomas, habang nagsasagawa ng traffic assistance sa national highway ng nasabing bayan, ay ng isang bag si police Corporal Emmnuel Rabara.

Matapos mainspeksyon ang bag na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento, ay dinala ito sa kanilang istasyon upang mahanap ang nagmamay-ari nito.

Laking pasasalamat naman ni Geraldin de Guzman, may-ari ng bag at isang empleyado sa Muncipal Treasurer’s Office ng naturang bayan, dahil naibalik agad sa kanya ng maayos ang kaniyang bag at kumpleto pa ang laman nito.

Kaugnay nito, hinimok ng PNP Sto. Tomas ang publiko na laging gumawa ng kabutihan sa ating kapwa.

Ulat ni Peterson Manzano

Please follow and like us: