Bagong apat na palapag na gusali ng Maliksi Elementary School sa Bacoor City Cavite, pinasinayaan

Pinasinayaan na ang apat na palapag na gusali ng Maliksi Elementary School sa Bacoor City Cavite. 


Pinangunahan ni Bacoor City Mayor Lanie Revilla ang pagpapasinaya sa naturang paaralan kasama ang mga guro at Schools Division head ng Bacoor at mga miyembro ng City Govt. Council.


Ayon sa Alkalde, hindi hadlang sa kanilang lungsod ang pandemya para sa pagpapatuloy ng mga proyektong nakalaan para sa edukasyon para sa mga kabataang taga Bacoor. 


Umaasa naman ang mga guro at ang mga miyembro ng City Govt. Council ng Bacoor na muling makakabalik sa mga silid-aralan ang mga estudyante kapag tuluyan nang nawala ang Covid-19 Pandemic sa bansa.

Jet Hilario

Please follow and like us: