Bagong bersyon ng “Oplan Tokhang, sisimulan ngayong araw

Mga Chief of Police na kasama ang mga lokal na opisyal ng barangay ang mangunguna sa  operasyon kontra illegal na droga.

Ito ang nakasaad sa pagpapatuloy ngayong araw ng panibagong bersiyon ng “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa — magkakaroon ng dalawang bahagi ang  nasabing proyekto.

Paliwanag ni dela Rosa palalakasin muna ng PNP ang pagtugis sa mga high-value target saka nila isasakatuparan  ang bagong bersiyon ng “Oplan Tokhang.”

Nangako rin si Dela Rosa na lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagbabantay laban sa “vigilante groups” na ginagamit ang Oplan Tokhang para makapagsagawa ng extra judicial killings.

 

Please follow and like us: