Bagong Court of Appeals Presiding Justice Remedios Salazar- Fernando nanumpa na sa puwesto

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Acting Presiding Justice Remedios  Salazar-Fernando bilang bagong CA Presiding Justice.

Kaugnay nito, agad ding nanumpa si Fernando sa kanyang bagong posisyon.

Si Chief Justice Diosdado Peralta ang nagpanumpa kay Fernando bilang CA Presiding Justice sa Supreme Court En Banc Session Hall.

Si Fernando ang nagsilbing acting Presiding Justice ng CA mula nang magretiro si Presiding Justice Romeo Barza noong 2019.

Nagtapos siya ng abogasya sa Ateneo de Manila University noong 1977.

Nagsimula naman ang karera ni Fernando sa gobyerno bilang law clerk sa Korte Suprema noong 1978.

Umupo rin siya bilang COMELEC Commissioner mula 1992 hanggang 1998 at naging LTFRB Chairperson noong 1987.

Moira Encina

Please follow and like us: