Bagong ERC Chairperson itinalaga na ni PBBM

Si Atty. Monalisa Dimalanta ang itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong Chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles, Si Dimalanta ang papalit kay Agnes Devanadera sa ERC.

Si Dimalanta ay Alumna ng University of the Philippines at nagsilbing dating Chief Legal Counsel at Compliance Officer ng Aboitiz Power Corporation.

Dati ring naging Chairperson si Dimalanta sa National Renewable Energy Board o NREB.

Please follow and like us: