Bagong House Resolution na naghihigpit sa public access sa SALN ng mga Kongresista salungat sa isinusulong na transparency ng gobyerno – ayon sa Malakanyang

Tiniyak  ng Malakanyang na hindi ito manghihimasok sa internal rules and procedures ng Kongreso bilang paggalang sa prinsipyo ng inter-department courtesy.

Ang pahayag ng Malakanyang ay bilang tugon sa pagkakapasa ng house resolution sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan mas hinigpitan nito ang publiko na masilip ang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN ng mga mambabatas.

Batay  sa naturang resolusyon kailangan muna ng plenary approval bago ilabas sa publiko ang SALN ng mga miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman  Salvador Panelo ang ganitong klaseng proseso ay hayagang pagsuway sa batas partikular na ang Republic Act  6713 kung saan nakasaad na ang SALN ay isang public document.

Niliwanag ni Panelo nakasaad din sa konstitusyon na may karapatan ang taumbayan sa mga impormasyon may kinalaman sa public concern.

Igniit ni Panelo na ang ganitong patakaran ay tila salungat sa isinusulong ng Duterte Administration na transparency at accountability para sa mga public officials.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *