Bagong kaso ng COVID-19, bahagyang bumaba sa 2,196

Bahagyang bumaba ang naitalang bagong kaso ng COVID- 19 ngayong araw na nasa 2,196.

Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3,646,793 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 66,588.

May 4,409 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,524,875 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 107 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 55,330 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 15, at 3 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: