Bagong Legacy wall sa Senado ,  pinasinayaan

Kasabay ng ika isandaan at anim na taong anibersaryo ng Senado, pinasinayaan ng mga Senador ang bagong legacy wall.

Sa legacy wall makikita ang larawan ng mga Senador na nagsilbi noong 17th Congress maging ang mga miyembro ngayong 19th Congress.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ginawa ito para ipaalala sa mga mga bagong mambabatas ang naging achievements ng kanilang mga predecessors at ipagpatuloy ang kanilang magandang naging performance at naging mga landmark legislation sa Senado.

Ang legacy wall rin ang magpapaalala sa mga mambabatas hinggil sa kanilang mandato para sa mga kababayang Pilipino.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *