Bagong pinuno ng ng Land Registration Authority, itinalaga na ni Pang. Duterte

Isang dating Presiding Judge ng hukuman sa Davao Occidental ang napili ni Pangulong Duterte na maging bagong administrator ng Land Registration Authority.

Batay sa appointment paper mula sa Malakanyang, itinalaga ng Pangulo sa nasabing pwesto si Atty.Renato Dacudao Bermejo.

Siya ay nagsilbing presiding judge ng Malita-Sta. Maria-Don Marcelino 5th Municipal Circuit Trial Court sa Davao Occidental.

Pinalitan ni Bermejo si dating LRA Administrator Eulalio Diaz III.

Ang LRA ay isang attached agency ng DOJ na nag-iisyu ng mga registration at certificates of title at register documents, patents at iba pang mga transaksyon na may kinalaman sa lupa.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *